Avoid Fake Rice! Tips ng National Food Authority sa Pagbili ng Bigas.

UNA, siguraduhing ang binibilhang rice retailer ay accredited o lisensyado ng National Food Authority at sa inyong suking tindahan. Bumili lang po tayo sa mga designated public market, groceries, supermarkets, and NFA accredited retailers sa inyong lugar.

Maaaring malaman kung accredited and isang tindahan kung may nakakabit na karatula dito kung saan nakasaad and buong pangalan ng retailer, at ang kanyang accreditation number.

IKALAWA, ating tandaan na ang inaangkat na bigas ng NFA at ng mga lisensyado nitong importer na regular-milled at well-milled rice ay maputi at long-grained o pahaba ang hugis.
IKATATLOdapat ang bigas ay hindi masyadong maputi, bilog, pare-parehas ang hugis at sukat, at masyadong makintab. Kung pare-parehas ang hitsura ay maaaring gawa ito ng makina.
IKAAPAT, siguraduhin po natin na hindi amoy plastic ang binibili nating bigas.

IKALIMA, iwasang tangkilikin ang bigas na mas magaan ang timbang kaysa sa pangkaraniwan. Hindi rin ito dapat masyadong matigas ang butil at mahirap putulin.

Kapag luto na ang bigas, siguraduhing hindi amoy plastic ang kanin at tingan kung may layer ng plastic na namumuo sa ibabaw ng bigas kapag ito ay naluto.

Laging nakabukas ang aming BantayBigas Hotline Number at official social media accounts 24/7 upang maaksyunan kung sakaling may makita tayong mga bigas na kahina-hinala sa ating mga palengke.



NFA/Bantay Bigas Hotline: 0906-4363133
Facebook: facebook.com/NFApublicaffairs
Twitter at Instagram: @bigas_nfa



Para mas maging mabilis ang aming imbestigasyon, kailangan magdala sa pinakamalapit na NFA office ng mga sumusunod:

  • Hindi bababa sa 1 kilogram na sample ng nabiling bigas na hindi pa luto para sa scientific laboratory analysis.
  • Impormasyon kung kalian, kanino at saan ninyo ito nabili.

Source: nfa.gov.ph
Share on Google Plus

About All Trending

We are your Trending News, giving you updates of events and news around the world. Thanks for viewing, please share!
    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento